Followers

Thursday, February 2, 2012

Bad Vibes

Ay grabe lang daming BV oh. Yung una ay dahil sa pagiging mabait ko, (sabi nila mabait daw ako e) tuloy ako yung nahihirapan ngayon. Hindi ko kasi alam yung salitang hindi, lahat ng makikiusap sa akin ay pinagbibigyan ko. Alam ko kasalanan ko, kaya nga pinag-aaralan ko ng humindi. Ayun may humihingi ng tulong sa akin, ngayon ko lang naman nahindian tapos nagalit or nagtampo agad. E grabe di ba, di man lang niya(nila) inisip kung anong iisipin ko. Pumasok nga sa isip ko na kaya siya (sila) ganun makitungo kasi pinapakinabangan nila ako :( e ang sakit lang. laslas mode

Ikalawa at huli ay sa kadahilang nawawala yung tickler ko :( doon lang naman nakasulat lahat ng copy ng cases ko sa DR and OR, mabuti na lang talaga at inatake ako ng kasipagan noong isang araw kaya naitype ko na lahat. Salamat Lord :*


Damn, damn, damn What I'd do to have you here, here, here. I wish you were here.- nakuha ko pang kumanta at ngumiti. Hahay para yan sa tickler ko :)

Wednesday, February 1, 2012

Feb-ibig

February na pala kaya ang lamig na pag gising ko. HAHAHA but seriously ang lamig talaga kanina, di ko na kailangan mag bukas ng aircon. Nagtext yung pinsan ko kanina sabi niya may gf na siya ulit, tapos nun sinabi kong ako walang boyfriend ayaw niya maniwala. Sabi ko wala pa ngayon, pagka graduate na sabi ni Papa :D ilang months na lang yun ayieeee. trololol
Gumaganda daw ako sabi ni Kuya, ewan ko kung totoo pero masaya ako dun. hihi seryoso kasi itsura niya, so siguro totoo nga. SANA! o dahil ang bait ko lang sa kanya? ako nag hahanda ng food niya lagi, taga ayos ng bed at kung anu-ano pang gamit niya. Oh well, maniniwala na lang ako. Wala namang mawawala e, nag gain pa nga ako ng confidence. hahaha salamat kapatid! Ipagpatuloy mo lang yan ha? napapasaya mo ko :)))

Hospital duty on Feb. 14 nice! dami ko tuloy ka-date :D paano ba yan groupmates tayo-tayo rin magkakasama. Sana wala na lang reporting tutal Valentines Day naman nun. <3 Manood tayo ng "The Vow" at mag "tutti frutti" =)))) YUM!

May bumisita sa akin kanina, dumaan si Jen sa bahay.
Ako: Sabi ko na nga ba parating kana e. Friend, inantay talaga kita para makaligo na ako.
Jen: ay akala ko nakaligo kana. Ang fresh mo lang tignan e.
Eeeeeeee thank you friend! Ang ganda lang ng hair ko sa umaga, medyo bagsak lang yung style, pero kapag magpipicture nagiging super bagsak err.. I am deeply in love with my hair.^_______^

Nakakatoxic lang ang PRC forms. Ito ginawa namin buong araw, may ilan-ilan pang blanko pero bahala na. Wala na kong malagay e. Kbye.


credits to my handsome brother Kuya Joseph :**